Kung ano ang sobrang pagka sweet ni Jennica Garcia at ni Mart Escudero noong first taping day (21 January) ng remake ng Sharon Cuneta movie na may pamagat na “BABANGON AKO’T DUDURUGIN KITA” ay siya namang tindi ng alitan na kapansin-pansin sa dalawa noong taping naming noong January 30.
Noong January 21, pagpasok ko sa private ward sa 4th floor ng University of the East – Ramon Magsaysay Hospital na ginamit bilang waiting area para sa mga artista, nagulat ako ng makita kong parang mga musmos na batang naghaharutan ang panganay na anak ni Jean Garcia na si Jennica at ang pamangkin ni Senador Chiz Escudero na si Mart Escudero. Hanggang sa na pack-up an aming taping, nananatili ang pagkasweet ng dalawa.
Subalit, noong January 30, sa World Citi Medical Center sa may Aurora Blvd malapit sa Anonas St sa Quezon City, pag pasok ko sa aming stand by area na isang private ward sa 5th floor ng nasabing hospital, si Jennica ay kasama namin ni Tonton Gutierrez, Robert Ortega, Jesseth Prospero (ang gumanap na aking asawa) subalit wala sa tabi niya si Mart! Hindi tumambay sa stand by area si Mart at noong bumaba ako para uminom ng aking gamot, nakasabay ko si Mart sa elevator. Nanggaling siya sa 5th floor ngunit sa ibang private room siya umistambay!
Noong mag taping na kami ng eksena na kasama si Jennica, tinukso ni Ms. D (palayaw ni Ms. Dina Bonnevie) ang dalaga kung may LQ (Lover’s Quarrel) ba sila ni Mart. Pangiti-ngiti lamang ang dalaga.
Sa taas na 5 ft. 7 inches ang 18 anyos na dalagita ni Jean Garcia ay puwedeng maging isang beauty contestant. Mabait at palangiti ito.
Samantala, isang high tech na computer-generated scene ang aasahan ng mga manonood na gagawin ng mga “computer whiz kids” ng production staff ng GMA para sa pagsabog ng isang mercedes benz kung saan kami ng aking “asawa” sa nasabing telenovela ay lulan nito.
Opo, tiyak na maging makatotohanan ang nasabing eksena. Sa paglabas naming ng aking “asawa” kasama an aming “anak” na si Ms. Dina Bonnevie mula sa hospital kung saan siya ay naconfine, biglang sumabog ang aming sasakyan. Buti na lang hindi pa nakasakay si Ms D. Isa sa maging mabigat na dahilan sa paghihiganti ang aming pagkamatay.
Nakatakdang papalit sa “Marimar” ang “BABANGON AKO’T DUDURUGIN KITA” sa pagtatapos ng Marimar ngayong Marso.
One Response to “Jennica at Mart nagtampuhan sa set ng “Babangon Ako”t Dudurugin Kita”













hey, jenica’s a cool, gorgeous girl. i’ve blogged about her a couple of times.