Isang tanned na Tonton Gutierrez and pumasok sa stand by area ng  taping ng bagong teleserye na isang remake ng popular na pelikulang “Babangon Ako’t Dudurugin Kita”.  Ang kapansin-pansing kulay ng balat ng sikat na actor ay di nakalipas sa aking paningin kaya’t ng nagkamayan kami, agad kung tinanong si Tonton kung nanggaling ba sila ng pamilya niya sa beach. Tugon ni Tonton, “Hindi po, naglalaro na kasi ako ngayon ng golf kaya sunog ang aking balat”. Agad kong sinagot si Tonton ng kaya pala bumabata siya dahil fit na fit siya sa pag go golf niya.

 Una kong nakatrabaho si Tonton may pitong taon na ang nakalipas para sa “Pangako Sa Yo” kung saan siya ay gumanap bilang  Governor Eduardo Buenavista. Gumanap naman bilang asawa niya si Jean Garica na gumanap bilang si Dona Claudia. Ako naman ay gumanap bilang Abogado ng mag-asawa dahil sila ay naharap sa maraming asunto. Inabot ng dalawang taon ang “Pangako Sa Yo” at sa loob ng mahabang panahon na ito, naging matalik kong kaibigan si Tonton.

 Nagkasama muli kami sa trabaho ni Tonton sa “Sana’y Maulit Muli” kung saan gumanap siya bilang ama ni Kim Chiu (Pinoy Big Brother winner) at ako naman ay gumanap bilang doctor ni Travis (Gerard Anderson). At heto na nga para sa “Babangon Ako’t Dudurugin Kita” kung saan gaganap si Tonton ng kakaibang papel na si Jango na lumalabas na protector ni Dina Bonnevie.

 Maganda ang dulot at epekto sa pagiging aktibo ni Tonton sa sports na masasabing nakakapagpabata sa kanya. Noong nasa set kami sa “Sana’y Maulit Muli” naibida ni Tonton na siya at ang kanyang asawang si Glydel Mercado ay nahumaling sa paglalaro ng Badminton.

 Maliban sa pagiging tanned at pagbata ng mukha ni Tonton, nagpatubo ito ng balbas. Kaya’t kakaiba ang Tonton na makikita ng mga manonod sa bagong teleserye na handog ng GMA 7 para sa mga manonood. Bagay na bagay ang bagong anyong ito ni Tonton sa kanyang papel. May eksena kaming ginawa kung saan bilang protector ni Dina Bonnevie mabilis niyang tatakpan si Dina upang ito’y hindi madamay sa pagsabog ng kotse na nilagyan ng bomba. Bago ang eksenang ito, may ma action eksena pa na bahagi ng opening scene kung saan makipaglaban si Tonton sa mga goons na aatake sa isang malaking handaan sa pamamahay ni Dina Bonnevie.

Tiyak na magugustuhan ng kanyang mga tagahanga ang mga eksena ni Tonton sa bagong teleserye na ito na nakatakdang ipalabas sa Marso bilang kapalit ng “Marimar”.  

0saves
If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

One Response to “Tonton Gutierrez – Bumabata”

  1. Egay Sandalo says:

    Thank you very much!

Trackbacks/Pingbacks

  1. Golf » Blog Archive » “Tonton Gutierrez - Bumabata” - [...] IN BETWEEN TAKES wrote an interesting post today on "Tonton Gutierrez - Bumabata"Here’s a quick excerptAgad kong sinagot si ...

Leave a Reply